Poetry in Translation: Tree by Joyce Kilmer

Puno
salin ni Ulysses Viriña Espartero
11 July 2012


Sa aking palagay ay hinding hindi na ako makakita pa
Ng tulang kaibig-ibig, isang puno ang halimbawa.

Isang puno na ang gutom na bunganga ay nakanganga
Sa walang humpay na pag-ilig ng dibdib ng matamis na lupa;
Isang puno na sa magdamag sa Poong Maykapal nakatanaw,
Ang madahong kamay sa panalangin ay ibinabayaw;

Ang puno na sa tag-init ay magsusuot
Ng pugad ng ibon sa kanyang buhok;

Ang ulap ay tumihaya sa kanyang kandungan;
Kapalagayang-loob, kaulayaw ang buhos ng ulan.

Ang tula ay ginagawa ng mga tangang katulad ko,
Pero ang Panginoon lamang ang makakagawa ng puno.

-a Tagalog translation of Joyce Kilmer's famour poem, "Trees"