Hinain na Lasaw
ni Maria Victoria Solis
salin sa Tagalog ni Ulysses Espartero
19 Hulyo 2012
Nung tinikman mo ako, parang lasaw na bagong kuha sa kawa
Habang kumukulo pa, gayundin ang pagdampi ng dila
Paglipat mo sa akin sa palayok na lalagyan ng tuba,
Ingat na ingat ka sa paglipat para di masayang.
Ngayon ako’y nahamugan at naabutan ng umaga,
Hala, ang malagkit, gumaspang at natuyuan.
Nawala ang init, ako’y iyong iniwan
Kaya’y nilanggam at nilangawan
Nagbabara nap ala ako sa ‘yong lalamunan
Dahil kung ika’y umaalis, wala ni kahit galaw.
Pangarap ko’y may dala kang apoy sa ‘yong pagdating,
Para ako’y isalang, para muling didikit.
-a translation of “Binahit nga Lasaw”
originally written in Kinaray-a by Maria Victoria Solis
originally written in Kinaray-a by Maria Victoria Solis
This poetry in translation is a work in progress.
To read my thoughts on poetic verses, kindly check
my blog site STROKES OF MY HAND
via http://yulespartero.blogspot.com
To read my thoughts on poetic verses, kindly check
my blog site STROKES OF MY HAND
via http://yulespartero.blogspot.com