Poetry in Translation: Love Song by Flavien Ranaivo

Awit ng Pag-ibig

(Tagalog translation
by Ulysses Espartero of Flavien Ranaivo’s “Love Song”.
Ranaivo, a native of Madagascar, was born on 1914.)

Huwag mo akong mahalin, kaibigan
Katulad ng iyong anino
Ang anino nawawala pag gabi
At ika’y aking hawakan -
Hanggang sa pagtilaok ng manok.

Huwag mo akong mahalin katulad ng paminta
Ang aking tiyan pinapainit niya
Hindi ko makakain ang paminta
Kung ako’y nagugutom.

Huwag mo akong mahalin katulad ng iyong unan
Mahaplos lamang sa oras ng pagtulog
Ni hindi mo makadaupang palad
Kung araw.

Mahalin mo ako, katulad ng iyong pangarap
Dahil ang pangarap ay iyong buhay
Sa gabi
At aking pag asa kung araw.