Poetry in Translation: Gumamela Kag Gardenia by Maria Victoria Solis

















Gumamela at Gardenia
ni Maria Victoria Solis
salin sa Tagalog ni Ulysses Espartero
19 Hulyo 2012

Kapareho ako ng gumamela
Kaakit-akit sa ilalim ng sikat ng araw
Ngunit pagsapit ng takipsilim
Nandoon ka sa gardenia dahil hindi na ako makikita.
Kung tutuusin, kami ay walang pinagkaiba
Na may katas kung pukpukin ng matulis na bato,
Naglalaway pa nga ang aking katas …
Kaya lang ‘tong gardenia
May naiiwang bango
Sa iyong puso.

-a translation of “Gumamela kag Gardenia”
(Gumamela and Gardenia) originally written
in Kinaray-a by Maria Victoria Solis.

This poetry in translation is a work in progress,
if yu have comments, e-mail uvespartero@yahoo.com
To read my thoughts on poetic verses,
kindly check my blog site STROKES OF MY HAND
via http://yulespartero.blogspot.com